Wednesday, January 9, 2013

Opo Pinoy Style by Mikey Bustos

 

 

 

 Video Source: YouTube

 

Opo Pinoy Style Lyrics

(written by Mikey Bustos):
Opo Pinoy style, Pinoy style

When I come around you know it’s gunna be a party,
Cuz I come from a land that’s more fun than the other countries,
Where we ace our exam with flying colours cuz we studied,
and there’s nobody else that can cook better than our mommies

Yeah it’s hotter here,
And that is why my skin is brown
and you’ll find water here
to wash my bum after I’m done raiding my
fridgidaire,
Cuz I proud that I’m pinoy I shout it everywhere, and tattooed it here

A baby duck still, inside the egg shell,
It tastes good
It’s called balut
I eat my ulam, rice and sawsawan
with my hands, i close open,
you have two godparents I have ten…

Weeh…
Opo Pinoy style! Pinoy style. Op-op-op-op-op opo Pinoy Style…. Pinoy style. Op-op-op-op-op opo Pinoy Style….
A pinay lady
stays where it’s shadey!

My name is Mikey Bustos, your one and only Pinoyboy,
I’m pointing with my lips, cuz hands are busy eating penoy,
Blessing to the elderly I mano po to Lola,
but now my forehead smells like ginger cuz she cooked tinola

During summer yeah it is super scortching hot,
and the rest of the year, yes it is still so scortching hot,
but really I don’t care,
Cuz I just use my split type air con, I can peepee here
almost anywhere

Cuz I do OK in videoke, magaling in tinikling,
Yes I am gwapo, haba ng hair mo, as I court you
That’s how we do, Beautiful eyes will get to you!

Amalayer?!
Opo Pinoy style! Pinoy style. Op-op-op-op-op opo Pinoy Style…. Pinoy style. Op-op-op-op-op opo Pinoy Style….
Eh Tita Baby op-op-op-op-op Opo Pinoy style
Eh we’re related op-op-op-op-op Opo Pinoy style

I wear barong, while eating chicharron
Just watch us take over the world with a plastic balloon
And I’m on my cell phone, texting in jejemon,
And I am BV during brown out cuz there’s no aircon, bat ganun, Opo Pinoystyle

Long live Filipinos op-op-op-op-op Opo Pinoy style
Mabuhay ang pilipino op-op-op-op-op Opo Pinoy style

I’m just returning the favour!

Tuesday, January 8, 2013

Don't bully me Teacher!!!!!

           
 Video Source : Youtube
        Grabe na man itong gurong ito. di nya talaga napigilan ang galit nya. Sana inisip din nya na mali ang inasal nya. Sana kung galit sya, huwag maging bastos kasi may pingangalagaan syang imahe sa mga estudyante nya. At sana inisip nya kung ano ang magiging resulta ng kanyang gina. Aminado ako na nakaranas din ako noon ng pagiging malupit ng aking guro. Ilang beses din akong na bully ng mga kaklase ko na kitang-kita mismo ng guro ko pero di man lang nya sila sinaway. Ako pa ang pinagalitan.Tandang-tanda ko pa noong Grade1 ako palagi akong pinapagalitan ng teacher ko. Ilang beses na nya akong napingot at nakurot. Ayoko ng pumasok sa school kasi natatakot  ako na kung baka anong gawin nila sa akin. Umiiyak ako palagi kapag uuwi ako ng bahay galing eskwela...Masakit isipin na sa ganoong murang edad ay nakaranas na ako ng pagiging malupit ng aking guro.Umpisa noon ay nawalan ako ng tiwala sa sarili.Nagkaroon din ako ng Bi-Polar Disorder. Madali akong ma-depress. Parang ayoko na .makipaghalubilo sa mga tao. Ang hirap ng pinagdaanan ko.Hanggang sa nag High School ako at nag College ay na experience ko ulit na paglupitan ng isang guro.Kaya siguro tinamad na ako mag-aral at nawalan na ako ng gana kasi hindi maganda ang pananaw ko sa mga guro..Natutuo na din akong mag cutting-classes hanggang sa unti-unti ko ng hininto ang pag-aaral. Walang masyadong nakakaunawa ng pinagdaan ko kasi siguro hindi nila ito naranasan.



                Nagbago lang ang pananaw ko sa mga guro simula ng makapag-bf ako ng isang guro.Hindi sya katulad ng mga naging guro ko noon.Ipinakita nya sa akin ang kahalagahan ng edukasyon.Kaya ngayon na

8: Numero Otso----Number Eight

Image courtesy of  http://en.wikipedia.org/wiki/File:Sp%C3%A5rvagnslinje_8.svg





Lucky number "8"... Nagkataon lang siguro na January 8, 2013 ngayon at naisipan kong gumawa ng blog. Unang petsa na "8" sa taon 2013.. Para sa karamihan kay swerte daw itong numero otso kasi simbolo umano ng "infinity" o "walang hanggan"... Kagaya lamang sa simbolo sa Mathematics na "infinity", parang nakahigang numero "8".Ito ay walang katapusan. Walang simula at walang dulo.

 

       Image courtesy of  http://www.technosalons.org/2012/09/how-to-make-infinity-symbol-on-facebook.html



 


          Ang iba sa atin kapag tumataya sa lotto, STL (Small Town Lottery), o kahit sa karera  ay laging pinipili ang numerong ito pagkat ang paniniwala ng iba ay mananalo sila kapag tinayaan nila ito.

 

   Image courtesy of  http://www.catawiki.com/catalog/caps-and-pogs/sub-series/number-8-ball/2610623-lucky-lotto


  

      Meron ding mga magsing-irog na pinipili ang petsa ng kanilang kasal ay meron numerong "8" (8, 18, 28). Samakatuwid, noong August 8, 2008 marami ang ikinasal sa paniniwalang habang-buhay silang magmamahalan at magsasama. At nuong araw ding yun ay ang umpisa ng Beijing Olympics kung saan ay pinakaswerteng araw daw ayon sa mga Chinese.


      Image courtesy of :

http://www.freedomsphoenix.com/Subjects/00218-LAST-olympics-beijing-china-summer-2008.htm

 

 

 

 

         Marami siguro sa atin ang tumatangkilik ng produkto ni Mr. Ben Chan na walang iba kundi ang Bench... Kahit ako simula noong high school po ako mga taong 1998 ay gumagamit na po ako ng mga pabango nila. At hanggang ngayon po ay gumagamit pa rin po ako. At ang pinakapaborito ko po ay ang BENCH 8..

Ang tanong kung ano po  ang koneksyon nito sa numerong "8". Napag-alaman ko po kasi kay Ms. Kris Aquino sa isa nyang Talkshow noon na lahat daw ng presyo ng mga produkyo ng Bench ay nagtatapos sa numerong "8" (halimbawa 98,188,588 etc) dahil naniniwala daw si Mr. Ben Chan na swerte daw ang numerong ito.

 


 Image courtesy of  http://www.benchtm.com/store/Products/169-eight-body-spray.aspx




         Para sa akin na isang ordinaryong tao, maswerte ang numerong "8" kasi ipinanganak ako November 8. Di man kami mayaman, ako naman ay isang employed at hindi ko natapos ang aking kolehiyo pero nararamdaman ko na maswerte pa rin ako dahil kahit ano mang unos ang dumating sa buhay ko ay nalalampasan ko pa rin sa tulong ng ating Panginoong Diyos. 

        

         

 



AmaPinayBlogger

AmaPinayBlogger ("I am Pinay Blogger")----Sino sya???Ako po  ay isang taong mahilig magbasa ng mga blogs, mamasyal sa iba't-ibang lugar,gumawa ng tula, magsulat, kumanta at kung ano-ano pa...Nais ko lang ibahagi ang aking mga kaalaman at ang aking mga interest sa buhay. Dahil sa modernesismo ay masyado ng mabilis ang mga pangyayari sa ating lipunan. Kaya naisipan ko pong gumawa ng sarili kong Blog para dito ko ilagay lahat ng aking mga hilig at saluobin hinggil sa mga bagay-bagay para makapaghatid ng kaalaman, impormasyon at balita. Sana'y subaybayan nyo po ang aking blog....Maraming salamat po.