Thursday, January 10, 2013

My Life in HongKong (Gala with my lovely friend Ate Alice Flores Madayag)


















































i





































































































Dito nagsimula ang buhay ko sa Hong Kong. September 9, 2011 nang nakarating ako sa lugar na ito, Sa distrito ng Tuen Mun.Tatlong araw at dalawang gabi ako namalagi sa Agency. Puro Indonesian DH ang mga kasama ko doon. Andami nila. Ako lang mag isa ang Filipina. Libre ang pagkain pero puro ma aanghang kasi nga mga Indonesian ang mga kasama ko. Puro sili na lang ata ang nalalasahan ko.Mahirap din gumamit ng banyo kasi pagpasok ko pa lang ay kinakatok na nila ako. Sa gabi sa sahig lang kami natutulog. Walang unan, walang kumot at walang banig. Siksikan pa. Parang sardinas. Walang kumakausap sa akin kasi di sila masyado bihasa magsalita ng English.Kapag nagtatanong ako sa kanila palagi nilang sagot ay “No English! Can’t understand.” 15  Hong Kong Dollars ang food allowance para sa dalawang meal, lunch at dinner.September 11 na ako kinuha ng aking amo sa agency. Kinakabahan ako at the same time excited kasi bagong experience na naman ito para sa akin. Sumakay kami ng amo ko ng train mula North Point, HK Island papuntang Tuen Mun, New Territories (West).

No comments:

Post a Comment