Tuesday, January 8, 2013

Don't bully me Teacher!!!!!

           
 Video Source : Youtube
        Grabe na man itong gurong ito. di nya talaga napigilan ang galit nya. Sana inisip din nya na mali ang inasal nya. Sana kung galit sya, huwag maging bastos kasi may pingangalagaan syang imahe sa mga estudyante nya. At sana inisip nya kung ano ang magiging resulta ng kanyang gina. Aminado ako na nakaranas din ako noon ng pagiging malupit ng aking guro. Ilang beses din akong na bully ng mga kaklase ko na kitang-kita mismo ng guro ko pero di man lang nya sila sinaway. Ako pa ang pinagalitan.Tandang-tanda ko pa noong Grade1 ako palagi akong pinapagalitan ng teacher ko. Ilang beses na nya akong napingot at nakurot. Ayoko ng pumasok sa school kasi natatakot  ako na kung baka anong gawin nila sa akin. Umiiyak ako palagi kapag uuwi ako ng bahay galing eskwela...Masakit isipin na sa ganoong murang edad ay nakaranas na ako ng pagiging malupit ng aking guro.Umpisa noon ay nawalan ako ng tiwala sa sarili.Nagkaroon din ako ng Bi-Polar Disorder. Madali akong ma-depress. Parang ayoko na .makipaghalubilo sa mga tao. Ang hirap ng pinagdaanan ko.Hanggang sa nag High School ako at nag College ay na experience ko ulit na paglupitan ng isang guro.Kaya siguro tinamad na ako mag-aral at nawalan na ako ng gana kasi hindi maganda ang pananaw ko sa mga guro..Natutuo na din akong mag cutting-classes hanggang sa unti-unti ko ng hininto ang pag-aaral. Walang masyadong nakakaunawa ng pinagdaan ko kasi siguro hindi nila ito naranasan.



                Nagbago lang ang pananaw ko sa mga guro simula ng makapag-bf ako ng isang guro.Hindi sya katulad ng mga naging guro ko noon.Ipinakita nya sa akin ang kahalagahan ng edukasyon.Kaya ngayon na
akong bumalik muli sa pag-aaral. Unti-unti tinutulungan nya akong bumalik sa tamang landas. Salamat sa Diyos at nakilala ko sya. (=


   Image Courtesy of:  http://www.keepcalm-o-matic.co.uk/p/stay-strong-and-stop-bullying/

        Kaya ngayong may batas na na para dito ay natuwa ako. Sana huwag matakot ang mga biktima. At huwag matakot na isumbong sa mga kinauukulan ang mga gurong mapang abuso sa mga estudyte. Ika nga ay "Tayo'y lumaban at huwag matakot"


No comments:

Post a Comment